Ano ang aasahan sa emergency department (ED) kapag may sakit o nasugatan ang inyong anak

Ang Emergency Department (ED) ay isang lugar na pinupuntahan ng mga tao para sa agarang pangangalaga. Maaaring nakakatakot at nakakalula ang pagpunta sa ED, lalo na kung hindi ninyo alam kung ano ang aasahan. Umaasa kami na makakatulong ang infographic na ito upang mabawasan ang stress at upang makapaghanda kayo.

Triage (paunang pagtatasa)

Kapag pumasok kayo sa pintuan ng isang emergency department, makikita ninyo ang isang silid-hintayan, ang triage station at ang lugar ng pagpaparehistro. Ang una ninyong hihintuan ay ang triage station. Makakatulong ito sa nars upang maunawaan kung gaano kalubha ang sakit ng inyong anak.

 

Pumila, at tatawagin kayo ng nars papunta sa triage station. Tatanungin kayo tungkol sa mga sintomas ng inyong anak at kung bakit ninyo siya dinala sa ED. Maaaring hingin ng nars ang health card ninyo at ang health card ng inyong anak. Susuriin din ng nars ang timbang at ang vital signs ng inyong anak, kabilang ang bilis ng tibok ng puso, bilis ng paghinga, temperatura at antas ng oxygen saturation.

May ilang paraan upang sukatin ang temperatura ng inyong anak, depende sa kanyang edad

Ang pagtimbang sa inyong anak ay tumutulong sa mga doktor na malaman kung gaano karaming gamot ang ibibigay, kung kinakailangan

Ang oxygen saturation ay ang dami ng oxygen sa dugo ng inyong anak

Pagpaparehistro (Registration)

Kailangang mairehistro muna ang inyong anak bago siya makatanggap ng pangangalaga.

Pagkatapos ng triage, sasabihan kayong pumunta sa registration desk. Hihingin muli ang health card ninyo at ang health card ng inyong anak. Ilalagay ang impormasyon ng inyong anak sa sistema ng ospital. Pagkatapos ay bibigyan siya ng wristband (pulseras na pangkilala) at hihilingin sa inyong maghintay sa silid-hintayan.

Silid-hintayan (Waiting Room)

Ang haba ng oras ng paghihintay ninyo upang makapagpatingin sa isang health care provider ay karaniwang nakadepende sa mga sintomas ng inyong anak.

Karaniwang unang tinitingnan ang batang may mas malubhang sintomas. Nakadepende rin ang oras ng paghihintay sa kung gaano kaabala ang ED. Maaaring 15 minuto lamang kayong maghintay, o maaaring umabot ito ng ilang oras. Ang paglalakad sa mga pasilyo o paglalaro sa mga kagamitang medikal ay maaaring maglagay sa inyong anak sa panganib na magkaroon ng impeksyon sa ED. Mangyaring manatili sa lugar ng paghihintay na itinalaga sa inyo. Kung sa palagay ninyo ay nagbago ang kalagayan ng inyong anak habang kayo ay naghihintay, ipaalam ito sa triage nurse.

Mga tip upang gumaan ang paghihintay:

  • Magdala ng ilang libro na mababasa o makukulayan ng inyong anak
  • May ilang silid-hintayan na may palaruan o fish tank
  • Maaaring magustuhan ng inyong anak na manood ng TV sa silid-hintayan
  • Nakakatulong din ang pakikinig sa musika gamit ang headphones upang mas mabilis lumipas ang oras

Pagpapatingin sa mga health care provider (Seeing health care providers)

Tatawagin ang pangalan ng inyong anak kapag handa na ang isang health care provider na tingnan siya.

Dadalhin kayo at ang inyong anak sa isang silid kung saan susuriin ang inyong anak. Maaaring may ilang pagsusuri na isasagawa bago matukoy ang sakit ng inyong anak o bago siya gamutin. Maaaring hingin sa inyo ang listahan ng mga gamot na iniinom ng inyong anak, at ang listahan ng mga allergy na mayroon siya. Makabubuting ihanda ang mga listahang ito bago kayo magpatingin sa isang health care provider.

Ang mga health care professional ay mga taong nagbibigay ng medikal na pangangalaga. Karaniwang maraming health care professional ang kasangkot, gaya ng mga nars, respiratory therapist, technician at doktor. Kung kayo ay nasa isang teaching hospital (ospital na nagsasanay ng mga doktor), maaaring kasama rin sa pagbibigay ng pangangalaga ang mga estudyante at residente (resident doctor).

  • Ang mga nars ay mga health care professional na tumutulong upang gumaling ang inyong anak. Nagbibigay sila ng direktang pangangalaga at paggamot, at sumusuporta sa mga pasyente sa buong panahon ng pagbisita nila.
  • Ang mga respiratory therapist ay mga espesyalistang health care professional na nangangalaga sa mga batang may kondisyon sa puso at baga.
  • Ang mga technician ay tumutulong sa mga diagnostic test gaya ng pagsusuri ng dugo, x-ray, at iba pang imaging test (pagkuha ng larawan ng loob ng katawan).
  • Ang mga doktor ay nakikipagtulungan sa iba pang health care provider upang magbigay ng direktang pangangalaga sa mga bata. Tinutukoy nila ang sakit ng inyong anak, binibigyang-kahulugan ang resulta ng mga pagsusuri, nagrereseta ng paggamot, at nagbibigay ng follow-up.

Discharge (pag-alis sa ED)

Ang pag-discharge (pag-alis) mula sa ED ay iba-iba para sa bawat bata. May mga batang maaaring hindi nangangailangan ng paggamot, at pauuwiin pagkatapos masuri. May mga batang gagamutin at pagkatapos ay muling susuriin bago pauwiin. Maaaring tumagal ang muling pagsusuri sa inyong anak pagkatapos ng paggamot, ngunit nakakatulong ito upang matiyak na sapat na ang kalagayan niya upang makaalis. Maaari ring resetahan ang inyong anak ng gamot na iinumin sa bahay. May mga batang kailangang maghintay sa silid-hintayan para sa resulta ng pagsusuri. May mga batang maaaring i-admit sa ospital upang maipagpatuloy ng mga health care provider ang paggamot at ang pagsubaybay sa kanilang kalusugan.

Pag-uwi (Going home)

Paghihintay sa resulta (Waiting for results)

Na-admit sa ospital (Admitted to hospital)

Alamin pa ang iba naming mga inisyatiba para sa kalusugan ng mga bata

Bisitahin

ECHO  |

Ang infographic na ito ay hatid sa inyo ng ECHO, ARCHE at TREKK

Na-update noong 2023 upang alisin ang mga kinakailangan kaugnay ng Covid-19.

© ECHO Research and ARCHE, 2026. Hindi maaaring baguhin, kopyahin o ipamahagi ang materyal na ito nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng ECHO Research and ARCHE. Makipag-ugnayan sa shannon.scott@ualberta.ca

Ang pananaliksik na ito ay pinondohan ng bukas-palad na suporta ng Stollery Children’s Hospital Foundation sa pamamagitan ng Women and Children’s Health Research Institute.

© ECHO Research and ARCHE, 2026. Hindi maaaring baguhin, kopyahin o ipamahagi ang materyal na ito nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng ECHO Research and ARCHE. Makipag-ugnayan sa shannon.scott@ualberta.ca6

Physical treatments can include physiotherapy, prescribed exercise plans, strengthening exercises, massage, and more. 

Psychological treatments can include counselling or talk therapy, supportive therapy, cognitive behaviour therapy, mediation, and more. They can be provided on a one-on-one basis or in a group setting. 

Disclaimer

The information contained in the video/multimedia content (the “Multimedia”) is provided on an “as is” basis and is offered for general information and educational purposes only; it is not offered as and does not constitute professional advice. There is no guarantee about the accuracy, applicability, fitness or completeness of the information found in the Multimedia. This information is provided without warranty of any kind, and the University of Alberta, its agents, employees, and students disclaim responsibility to any party for any loss or damage of any kind that may arise directly or indirectly as a result of the use of or reliance on the information contained in the Multimedia.

These resources may not be modified, reproduced or distributed without prior written consent of ECHO Research. Contact shannon.scott@ualberta.ca.