Paano pangasiwaan ang lagnat ng iyong anak

Kapag may sakit ang inyong anak, karaniwan nang nagkakaroon din siya ng lagnat. Hindi makakasama sa iyong anak ang lagnat, ito ay normal na tugon ng katawan laban sa impeksyon. Karaniwang nawawala ang lagnat pagkalipas ng pitompu’t dalawang (72) oras (tatlong (3) araw). Alamin kung paano kumuha ng tamang temperature at kung paano pananatilihing kumportable ang isang batang may lagnat.

Mga payo sa pagkuha ng temperature

Huwag gumamit ng termometrong kristal. Maaring mabasag ang kristal, at ang asoge (mercury) sa loob ay maaaring makalason!

Ang fever strips at mga termometrong pambahay na ipinapahid sa noo ay hindi gaanong katumpakan o masyadong maasahan.

Huwag gumamit ng termometrong pambibig upang kumuha ng temperatura sa puwit, o gumamit ng termometrong pampuwit para kumuha ng temperatura sa bibig.

Ang mga termometrong dijital ay maaring gamitin sa puwit, kili-kili, o bibig. Ang mga ito ay hindi nababasag, madaling basahin, at mabilis sumukat.

 

Huwag gumamit ng termometrong kristal. Maaring mabasag ang kristal, at ang asoge (mercury) sa loob ay maaaring makalason!

 

Huwag gumamit ng termometrong pambibig upang kumuha ng temperatura sa puwit, o gumamit ng termometrong pampuwit para kumuha ng temperatura sa bibig.

 

Ang fever strips at mga termometrong pambahay na ipinapahid sa noo ay hindi gaanong katumpakan o masyadong maasahan.

 

Ang mga termometrong dijital ay maaring gamitin sa puwit, kili-kili, o bibig. Ang mga ito ay hindi nababasag, madaling basahin, at mabilis sumukat.

 

Gumamit ng tamang paraan batay sa edad ng iyong anak

Mayroong iba’t ibang paraan upang kumuha ng temperatura ng bata. Ang tamang paraan ay nakadepende sa edad ng iyong anak upang matiyak ang katumpakan.

Piliin ang edad ng iyong anak mula sa mga kategorya sa ibaba upang makita ang mga tagubilin sa pagkuha ng temperatura.

Sero (0) hanggang dalawang (2) taong gulang

Pagkuha ng temperatura sa kilikili

Pindutin para sa mga tagubilin…

Dalawa (2) hanggang limang (5) taong gulang

Pagkuha ng temperatura sa Tainga o sa Kilikili

Pindutin para sa mga tagubilin…

Higit sa limang (5) taong gulang

Unang pagpipilian: Bibig

Ikalawang pagpipilian: Tainga o Kilikili

Pindutin para sa mga tagubilin…

Paano kung ang temperature ay higit sa normal?

Ang antas ng lagnat ay hindi nagsasabi kung gaano kalubha ang sakit ng iyong anak—ang kilos ng iyong anak (halimbawa: kung siya ay inaantok, aktibo, masungit, masaya, atbp.) ay karaniwang mas mabuting babala.

Karamihan sa mga lagnat ay maaaring gamutin sa bahay, ngunit humingi ng tulong mula sa isang doktor o tagapangalaga ng kalusugan kung ang iyong anak ay:

  • May lagnat at wala pang anim (6) na buwang gulang.
  • May lagnat na tumatagal nang higit sa limang (5) araw.
  • Labis na masungit, maligalig, o iritable.
  • Labis na inaantok, matamlay, o hindi tumutugon.
  • Patuloy na hinihingal o umuubo.
  • May lagnat na may kasamang pantal (rash) o anumang iba pang senyales ng sakit na nagdudulot sa iyo ng pag-aalala.

Pag-aalaga sa batang may lagnat

Kapag nagaalaga ng batang may sakit sa bahay, ang mga sumusunod na payo ay makakatulong na panatilihing kumportable ang iyong anak hanggang sa gumaling siya mula sa pagkalagnat.

BABALA: Ang isang sanggol, bata o tinedyer na may sakit ay hindi dapat bigyan ng aspirin (aspirin (acetylsalicylic acid (ASA))

Pag-aalaga sa bahay

Panatilihing kumportable and iyong anak at alukan siya ng maraming likido (tubig, sabaw, gatas ng ina, etc.)

 

Tanggalin ang mga sobra (ngunit hindi lahat) na damit at mga kumot.

 

Subaybayan ang mga senyales ng dehydration.

 

Tignan ang kalagayan ng bata sa gabi.

 

Panatilihin ang iyong anak sa bahay.

Gamot

Hindi laging kailangan ng gamot upang pababain ang temperature ng bata.

 

Gamutin ang mga pananakit ng katawan gamit ibuprofen o acetaminophen (hindi Aspirin)

 

Laging sundin ang mga direksyon sa bote at huwag lalampas sa inirekomendang dosis, maliban kung ang iyong doctor ay may ibang payo batay sa timbang ng bata.

Tandaan na ang lagnat ay normal na tugon ng katawan sa impeksyon, at ang karamihan ng lagnat ay nawawala paglipas ng pitompu’t dalawang (72) oras.

Galugarin ang iba pa naming mga inisyatibo para sa kalusugan ng bata

Bisitahin ang

ECHO  |

Ang infographic na ito ay hatid sa inyo ng ECHO, ARCHE & TREKK.

Ang pananaliksik na ito ay pinondohan sa pamamagitan ng bukas-palad na suporta ng Networks of Centres of Excellence of Canada (NCE) at ng Women and Children’s Health Research Institute (WCHRI).

© ECHO Research and ARCHE, 2026. Ang materyales na ito ay hindi maaaring baguhin, kopyahin, o ipamahagi nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa ECHO Research at ARCHE. Makipag-ugnayan kay shannon.scott@ualberta.ca

Physical treatments can include physiotherapy, prescribed exercise plans, strengthening exercises, massage, and more. 

Psychological treatments can include counselling or talk therapy, supportive therapy, cognitive behaviour therapy, mediation, and more. They can be provided on a one-on-one basis or in a group setting. 

Disclaimer

The information contained in the video/multimedia content (the “Multimedia”) is provided on an “as is” basis and is offered for general information and educational purposes only; it is not offered as and does not constitute professional advice. There is no guarantee about the accuracy, applicability, fitness or completeness of the information found in the Multimedia. This information is provided without warranty of any kind, and the University of Alberta, its agents, employees, and students disclaim responsibility to any party for any loss or damage of any kind that may arise directly or indirectly as a result of the use of or reliance on the information contained in the Multimedia.

These resources may not be modified, reproduced or distributed without prior written consent of ECHO Research. Contact shannon.scott@ualberta.ca.